Sa
unang pagkakataon mga mata’y nagkasalubong
Hindi
inaakalang may uusbong na pagtitinginan
Sa
paglipas ng panahon
Bawat
kurap ay ‘di pinalagpas
Nasundan
ang unang pagkikita
Muli
na namang nagkita sa hindi inaasahang pagkakataon
Mga
mata’y waring nangungusap
Tila
may gustong ipahayag
Nagkapalagayan
ng loob sa isa’t-isa
Hindi
maipaliwanag ang sayang nadarama tuwing magkasama
Waring
puso ay tumatalon sa sobrang tuwa
Paningin
ay umaaliwalas tuwing ikaw ay nasisilayan
Mahaba-haba
na rin ang pinagsamahan bilang magkaibigan
Habang
tumatagal lalong lumalalim ang pagkakaibigan
Na
nauwi sa malalim na pagtitinginan
Tuwa
sa mga mata’y walang kapantay
Mata’y
hindi mapakali tuwing siya’y wala sa aking paningin
Sa
bawat minuto’y siya ang ibig na masilayan
Puso
ko’y tila napapaos na sa walang tigil na pagsigaw ng kanyang pangalan
Sa
isipan, ang kanyang mukha ang laging nakikita
Ikaw
ay nagtapat na ako’y iyong iniirog; ako’y hindi makapaniwala
Nanlalabo
ang paningin
Hindi
mawari kung ano ang dapat na isagot
Pagkasambit
niya sa mga katagang iyon
Mga
mata’y napatitig sa isa’t-isa
Bakas
sa mga mata ang naguumapaw na tuwa
Kislap
ng mga mata’y walang kaparis
Daig
pa ang kislap ng mga bituin sa langit
Dahil
sa kagustuhan kong marinig muli
Ang
mga salitang kanyang binitiwan
Pilit
kong pinapaulit
Munti
kong kahilingan
Agad
niyang dininig
Ang
puso ko’y muli na namang tumalon sa sobrang tuwa
At
tila nag-uumapaw ito sa pagmamahal sa kanya
Hindi
na napigilan ang bibig na sambitin ang:
“Mahal
din kita.”
Masaya
ang naging pagsasama ng dalawang puso na dati’y nag-iisa
Nagbibigay
kulay at kinang sa buhay ng isa’t-isa
Problema’t
pagod ay kayang-kayang pawiin
Basta’t
laging magkasama
Sa
tuwing tayo ay namamasyal
Tayo
ay magkahawak-kamay
Tila
ayaw bumitiw sa isa’t-isa
Sabi
ko sa kanya:
“tumingin
ka na ng gusto mo
sigurado
ako na marami kang makikita at magugustuhan
pero
tumingin ka na sa lahat ng bagay
huwag
lang sa ibang babae”
Ako’y
iyong niyakap at sinabing ako lang ang mamahalin
At
siya ay akin lamang
Sa
paglipas ng panahon ikaw ay nananatili parin sa aking tabi
Lalong
kumikinang kislap ng mga mata
Puwing
sa mga mata na nagdudulot ng pagluha
Agad
nating napapawi
Ngunit
dumating ang araw, mga mata mo’y tila nanlabo na
Wala
na ang dating kislap sa iyong mga mata
Ang
aking iniirog na dati’y laging nasa aking tabi
Ngayo’y
bihira na lamang makapiling
Sa
tuwina’y ikaw ang laging hanap
Ng
mga matang nais masilayan ang dating kislap ng iyong mga mata
Puso
ko’y nalulugmok na sa kalungkutan
Isip
ko’y hapo na sa kakaisip sa’yo
Sa
kanyang pamamasyal kaya ay mayroon na siyang nahanap?
Hiling
ko sa Panginoon na sana’y mali ang aking iniisip
Na
sana sa kanyang pamamasyal
bagay
ang kanyang nakita at nagustuhan
Paano
nga ba mababawi ang dating kinang ng iyong mga mata
Na
dati’y nakakasilaw at nakakahumaling
Kung
sa iyong pamamasyal ikaw ay nakahanap na ng iba
Mata’y
ibinaling na pala sa iba

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento